Padigosan Festival, sinimulan sa Tree Planting Activity
Sinimulan sa Tree Planting Activity ang pinakahihintay na isang linggong pagdiriwang ng Padigosan Festival nito lamang ika-15 ng Hulyo 2024 sa Riverside, Barangay Tiguman, Digos City, Davao del Sur.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Digos sa pamamagitan ng City Greening Program Office na naging posible naman sa aktibong pakikilahok ng 680 na mga boluntaryo mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong sektor.
Ilan sa mga nakilahok rito ay ang Digos City Police Station, Bureau of Fire Protection, Digos City Coast Guard Sub Station Command Office, BJMP, Philippine Navy 711st 2nd Company Naval Reserve, Task Force Digos, DepEd Secondary District, Tortuga Valley Plantation Inc., Sangguniang Panlungsod, University of Mindanao Digos College at iba pa.
Ang malaking bahagi na ito sa pagdiriwang ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pakikilahok ng komunidad at positibong epekto sa kapaligiran na nagtatakda ng maligayang kapistahan kasabay ang pagpapahalaga at pag-iingat sa kapaligiran.