Relief Goods Distribution isinagawa sa Lanao del Sur

Matagumpay na naisagawa ang relief goods distribution ng mga tauhan ng Kapatagan Local Government Unit sa mga residenteng nasalanta ng bagyo sa Barangay Matimos, Kapatagan, Lanao del Sur noong ika-16 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ni Hon. Mayor Raida B. Maglangit ang naturang aktibidad kaiisa ang mga tauhan ng MDRRMO, DSWD, MSSD Lanao del Sur at mga personahe ng Kapatagan Municipal Police Station.

Bukod sa relief goods, nakatanggap din ng mga household supplies ang mga residente ng naturang lugar.

Sa tulong ng PNP katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy na pagkakaisa upang makapaghatid ng tulong sa mga residenteng lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *