Youth Summit 2024, isinagawa sa Taytay, Rizal
Aktibong nakilahok ang mga kabataan sa isinagawang Youth Summit 2024 “Battle of Champions” na ginanap sa Covered Court Camp MGen Licerio I Geronimo, Taytay, Rizal nito lamang Martes, ika-16 ng Hulyo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal PPO kasama ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, at Advocacy Support Group ng Rizal.
Ang naturang summit ay dinaluhan ng Director ng National Youth Commission sa pangunguna ni Atty. Leah T. Villalon at Honorable Mikhail Napolwon S.J., San Jose Sangguniang Kabataan Federation President ng Rizal.
Dumalo rin sina Dr. Mary Grace H. Laserna, Education Program Supervisor (DepEd Rizal), Mr. Gerik L. Javonilla, Teacher 2 at Ms. Maureen P. Bulatao, Local Tourism/Municipal Advisory Group Member ng Angono, Rizal na nagsilbing mga judges sa patimpalak.
Layunin ng nasabing Youth Summit na bigyan ng pagpapahalaga ang mga kabataan ng Rizal sa pamamagitan ng pagpapakita ng iba’t ibang talento sa paraang pagpipinta, pagsusulat ng kanta at tula.
Kinikilala ang partisipasyon ng mga kabataan bilang katuwang ng kapulisan para sa kampanya laban sa ilegal na droga at terorismo upang magkaroon ng ligtas at matiwasay na pamayanan.
Source: Rizal Police Provincial Office