BPATs Skills Enhancement Training at Awareness Lecture, isinagawa

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at opisyales ng Barangay Cogon-cogon sa isinagawang Skills Enhancement Training at Seminar na pinangunahan ng Matnog Municipal Police Station na ginanap nito lamang ika-22 ng Hulyo 2024.

Tinalakay ng mga miyembro ng Matnog MPS ang Gender-Based Law at kasanayan sa tamang pamamaraan ng pag-aresto, handcuffing at pagtugon sa anumang sakuna at kaganapan sa kanilang nasasakupan.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers ng Barangay upang magkaroon sila ng kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin.

Photos Credit/Source: Matnog MPS of Albay PPO

Panulat ni PCpl Brian B Imperial

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *