Brigada Eskwela 2024, nilahukan ng mga KKDAT sa San Juan City

Kahit maulan ang panahon, hindi nag dalawang isip ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na makilahok sa isinagawang Brigada Eskwela sa San Juan City nito lang Martes, Hulyo 23, 2024.

Ang aktibidad ay may temang “Matatag na Samahan Para sa Handa at Ligtas na Paaralan” kung saan katuwang ang San Juan City Police Station at Criminology Interns mula sa EARIST sa nasabing paglilinis.

Ito ay naglalayong maipakita ang pagtutulungan ng bawat kabataan upang masiguro na magiging malinis at maayos ang pagbubukas ng paaralan sa pagsapit ng pasukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *