Buwanang Pagpupulong ng BADAC, isinagawa sa DavSur
Muling isinagawa ang buwanang pagpupulong ng BADAC, BPOC at BPATs na siya ring dinaluhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 3 nito lamang ika-21 ng Hulyo, 2024 sa Barangay Goma, Digos City, Davao del Sur.
Ang pagpupulong ay nagsilbing mahalagang plataporma sa pagpapalakas ng samahan sa pagitan ng pulisya at mga lokal na pamahalaan, na nagtataguyod ng kolaboratibong paraan sa pagharap sa mga hamon sa seguridad sa komunidad.
Ang talakayan naman ay naging komprehensibo kung saan ito sumasaklaw sa iba’t ibang mahahalagang paksa partikular na ang pagtatatag at pagbabago ng mga duty outpost, pagbuo ng mga outpost komite at komite na magroronda, at pagpapanatili ng detalyadong logbook.
Binigyang-pansin din ng konseho ang pagsusuri sa dami ng mga Persons Who Use Drugs (PWUDs) sa bawat purok, pagkilala sa mga indibidwal na madalas na sangkot sa gulo, pagnanakaw, at paglabag sa curfew, at pagsusuri sa pagpapatupad ng improvised muffler sa pamamagitan ng inisyatibang “Bora-bora”.
Ang pulong ay nagtapos sa pangkatang pag-uulat, na nagbibigay-diin sa mga pinagsamang pagsisikap upang tiyakin ang mas ligtas na kapaligiran para sa lahat ng residente ng Barangay Goma.