Force Multipliers at Barangay-Based Support Group, nakiisa sa Dance Fitness Activity
Aktibong nakiindak ang mga Force Multipliers at Barangay-Based Support Groups sa isinagawang Dance Fitness Activity na ginanap sa
Barangay Napindan, Taguig City nito lamang Lunes, Hulyo 22, 2024.
Ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Unit (RPCADU-NCR) bilang mga Dance Instructors sa pangunguna ni Police Major Marlon Banania, Deputy Chief ng naturang yunit.
Ito ay isang paraan upang makapag-ehersisyo ang ating mga nanay at iba pang residente ng lugar upang makamtan ang isang malakas at malusog na pangangatawan.
Tampok din sa aktibidad ang paggawad ng parangal para sa mga talentadong nagpamalas ng kanilang galing sa pagsasayaw.
Layunin ng aktibidad na ito na patatagin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan at makapagbahagi ng kahit kaunting tulong para sa mga kababayan nating higit na nangangailangan.