KKDAT Bontoc Chapter, lumahok sa SK Mandatory Training
Lumahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Bontoc Chapter sa isinagawang SK Mandatory Training na may temang “Youth Cares Summit: Bontoc’s Youth Development Program Towards Bontoc Ay Enlangakha” sa Municipal Hall ng Bontoco noong ika-19 hanggang ika-20 ng Hulyo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay inilunsad ng Bontoc Local Goverment Unit sa pamamagitan ng Youth Care Program kung saan ito ay nakatuon sa pagbibigay kapangyarihan sa mga kabataang lider sa pamamagitan ng mga sesyon sa mental health awareness, epektibong komunikasyon at pag-unlad ng turismo.
Binigyang-diin naman ni Mayor Jerome “Chagsen” Tuldong Jr., ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga kabataan sa pag-unlad ng komunidad at hinihikayat ang mga lumahok na ibahagi sa ibang kabataan ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay.
Ang programa ay naglalayon na bigyang kapangyarihan ang mga kabataan na mag-ambag sa paglago ng komunidad.