Stakeholders at Barangay-Based Support Group, nakiisa sa Community Outreach Program

Aktibong nakiisa ang mga Stakeholders at Barangay-Based Support Groups sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Barangay Hall Wawa, Taguig City nito lamang Linggo, Hulyo 21, 2024.

Ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng mga tauhan ng Taguig City Police Sub-Station 9 at mga kawani ng naturang barangay.

Kasama sa programa ang pamimigay ng sako ng bigas mula sa barangay.

Dagdag pa rito, ilang mga lecture ang isinagawa bilang suporta sa Executive Order 70 sa panahon ng aktibidad.

Ito rin ay isang paraan upang maiwasan ng ibang mga mamamayan na sumali sa mga demonstrasyon ng pagprotesta sa oras ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” R. Marcos, Jr sa Batasang Pambansa Complex, Quezon City.

Layunin ng aktibidad na patatagin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan at ang makapagbahagi ng kahit kaunting tulong para sa mga kababayan nating higit na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *