Tree Growing Activity isinagawa ng BLGU sa Lanao del Sur

Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang tree growing activity ng mga tauhan ng Barangay Banga-Local Government Unit sa Balatin River, Barangay Banga, Wao, Lanao del Sur nito lamang araw ng Martes, ika-23 ng Hulyo 2024.

Nakiisa rin sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng MENRO-Wao, BFP-Wao, mga miyembro ng Sangguniang Kabataan, BPATs, KARANCHO-Banga, ASG KKDAT intern students ng Mindanaoan Integrated Academy at aktibong nakilahok ang mga personahe ng Wao Municipal Police Station.

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa KALIGKASAN Volunteer Program na naglalayong maibalik ang dami ng punong-kahoy sa kagubatan bilang panangga laban sa mga kalamidad.

Patuloy na makikiisa ang mga kapulisan sa mga aktibidad katuwang ang mamamayan para itaguyod ang mas maayos at ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *