Advocacy Support Group, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Sarangani Province

Nagsagawa ng Tree Planting Activity kasama ang Advocacy Support Group na idinaos sa Barangay Daliao, Maasim, Sarangani Province nito lamang Martes, ika-23 ng Hulyo 2024.

Aktibong nakiisa sa Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Eagles Club na pinamumunuan ni Mr. Celimont Montanier, President of Blue Marlins Eagles Club Chapter, kasama din ang mga personahe ng Maasim Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Herman J Luna.

Ang aktibidad ay hindi lamang nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan kundi pati na rin ng patuloy na pagtutulungan ng mga sektor ng lipunan para sa isang mas maayos at ligtas na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *