BPATs, nakiisa sa Symposium

Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa isinagawang Symposium sa anti-illegal drug awareness campaigns, anti-terrorism, at crime prevention awareness na naisagawa ng mga tauhan ng Alegria Municipal Police Station sa Barangay Ombong, Alegria, Surigao del Norte noong Hulyo 23, 2024 bandang 3:00 ng hapon.

Ang aktibidad ay bahagi ng programang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) na naglalayong bawasan ang paggamit sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa masamang epekto nito.

Naging makabuluhan at puno ng impormasyon ang nasabing aktibidad na inaasahang magdudulot ng positibong epekto sa kamalayan ng mga kabataan at mga miyembro ng BPATs sa kanilang tungkulin bilang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Layunin din nitong hikayatin ang komunidad na maging aktibong katuwang sa paglaban sa mga isyung may kinalaman sa droga at iba pang mga suliraning panlipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *