Mga Guro ng Cesareo Villa Abrelle Elementary School, nakiisa sa Lecture on Safe Spaces Act

Nakiisa sa isinagawang Lecture on Safe Spaces Act ang mga guro ng Cesareo Villa Abrelle Elementary School nito lamang ika-24 ng Hulyo 2024 gayundin ang mga magulang, mga Purok liders at iba pang kawani ng Barangay 76-A sa Lungsod ng Davao.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan naman ng San Pedro Police Station, layunin nitong itaas ang kamalayan ng publiko at tiyakin ang kaligtasan ng bawat indibidwal sa pribado at pampublikong espasyo, kasama na ang online na mga plataporma at lugar ng trabaho.

Dagdag pa, ang inisyatibo na ito ay alinsunod sa Oplan Balik Eskwela (OBE) 2024-2025 na may iisang hangarin na suportahan ang edukasyon at kinabukasan ng mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *