Symposium, dinaluhan ng KKDAT at BPATs
Dinaluhan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang isinagawang Symposium sa Anti-Illegal Drug, Anti-Terrorism, at Crime Prevention Awareness na isinagawa ng Sergio Osmena Municipal Police Station sa Barangay Nebo, Sergio Osmena, Zamboanga del Norte nito lamang Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2024.
Sa symposium, tinalakay ng mga eksperto at opisyal ang tungkol sa mga senyales ng pagiging adik sa droga, mga hakbang upang maiwasan ito, at mga posibleng solusyon.
Kasama rin sa mga tinalakay ang mga panganib ng terorismo at ang mga pamamaraan upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, mas napapalapit ang mga alagad ng batas sa mga mamamayan, na nagiging daan upang magkaroon ng mas matatag na kooperasyon sa pagsugpo sa ilegal na droga at terorismo.
Layon nito ay ang pagbibigay kaalaman sa mga KKDAT at BPATs tungkol sa mga isyung may kinalaman sa ilegal na droga, terorismo, at krimen.