Advocacy Support Group, nakiisa sa Symposium sa Samar

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Symposium sa Barangay Ilijan, Sto. Niño, Samar nito lamang ika-23 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Religious Group sa pamumuno ni Station Values Life Coach na si Pastor Job L. Abaja Jr., kasama ang mga tauhan ng Sto. Niño Municipal Police Station at ang mga residente ng nasabing lugar.

Ito ay Community Engagement na sumusuporta sa SONA 2024 na Bagong Pilipinas sa Barangay, Revitalized PNP KASIMBAYANAN at bilang bahagi ng pagdiriwang sa 29th Police Community Relation Month 2024.

Ang mga paksang tinalakay ay ang mga batas tungkol sa RA 11930, RA 9262, BIDA Program, Anti-Terrorism Awareness Campaign, Katarungang Pambarangay at iba pang mga kaugnay na batas upang magkaroon ng kamalayan ang mga kalahok tungkol sa ilang mga batas at ordinansa na kapaki-pakinabang sa kanila.

Ito ay magsisilbing gabay at tamang pangaral para sa mga residente at mga kabataan upang mas maituwid ang landas tungo sa pagtahak ng mga layunin sa buhay.

Ang mga ahensya ng gobyerno ay patuloy na magkakaisa at magtutulungan na maisulong at maisagawa ang mga aktibidad at programa na makapagpapabuti para sa sambayanang Pilipino tungo sa layunin na Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *