Barangay-Based Advocacy Group, nakiisa sa Brigada Eskwela

Aktibong nakiisa ang Barangay Based Advocacy Group ng Patanad sa ikatlong araw ng Brigada Eskwela na ginanap sa Patanad Elementary School Barangay Patanad, San Isidro, Isabela noong ika-24 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga guro sa pamumuno ni Mrs. Charito Antonio, Head Teacher, katuwang ang mga tauhan ng RPCADU2, miyembro ng 4Ps at magulang ng nabanggit na paaralan.

Nagtulungan ang bawat isa upang malinis ang kapaligiran ng paaralan sa pamamagitan ng pagdadamo at pagwawalis sa paligid nito.

Ang grupo ay patuloy na makikiisa at susuporta sa mga ganitong programa ng gobyerno hindi lamang sa nalalapit na pagsisimula ng klase, kundi nagtataglay din ito ng makabuluhang mensahe ng pagkakaisa, pagpapahalaga sa edukasyon at pangangalaga sa kapaligiran.

Source: RPCADU2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *