Brigada Eskwela ng DepEd San Roque, naging matagumpay

Naging matagumpay ang isinagawang Kick off Ceremony ng Brigada Eskwela ng DepEd San Roque sa Barangay San Roque, City of Sto. Tomas, Batangas nito lamang ika-22 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay may temang “Bayanihan Para Sa Matatag na Paaralan” na sinuportahan ng Sto. Tomas City Police Station sa pamumuno ni PLtCol Rodel S Ban-O, hepe ng naturang operasyon.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong, suporta at seguridad upang matiyak ang maayos na pagbubukas ng klase ngayong taon, ang pagkakaisa mula sa Pambansang Pulisya at DepEd ay magpapatuloy hanggang sa mga susunod na taon.

Source: Sto.Tomas CCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *