BPATs, nakiisa sa Security Assistance sa Bacuag, Surigao del Norte

Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa isinagawang Security Assistance ng Bacuag Municipal Police Station (MPS) na ginanap sa Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte noong Hulyo 26, 2024, bandang 9:00 ng gabi.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng programang Caraga L.I.G.T.A.S ka, na naipapakita sa pamamagitan ng pagpapatrolya ng mga tauhan ng PNP at mga BPATs sa iba’t ibang bahagi ng Barangay Poblacion.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng presensya at pagtulong sa seguridad ng pulisya at BPATs.

Patuloy na magsasagawa ng ganitong mga aktibidad ang Bacuag MPS at ang BPATs upang masiguro ang kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan ng buong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *