KKDAT, nagsagawa ng Project Saving Hope
Matagumpay na isinagawa ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ang Community Outreach Program bilang bahagi ng programang Saving Hope sa mga mag-aaral ng Calay Elementary School, Purok Puting Bato, Lun Masla, Malapatan, Sarangani Province nito lamang ika-26 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ni Edelle Mae Masamlok, Provincial KKDAT President ang naturang aktibidad kasama ang mga miyembro nito katuwang ang mga purok officials, mga magulang at guro ng nabanggit na paaralan.
Nakiisa rin ang mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Police Ofiice sa pangunguna ni Police Colonel Deanry R Francisco, Provincial Director.
Tampok sa Project Saving Hope ang pagbibigay ng mga school supplies sa mga mag-aaral, at feeding program.
Nagsagawa din ng lectures tungkol sa ipinagbabawal na gamot at kampanya kontra terorismo.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng tulong at inspirasyon sa mga mag-aaral lalong lalo na ang mga Indigenous people.
Hinihimok din na huwag subukan ang mga ipinagbabawal na gamot dahil ito ay may masamang dulot at huwag sumanib o magpadala sa mga teroristang grupo.
Panulat ni Bambam