Barangay-Based Advocacy Group, nakiisa sa Brigada Eskwela 2024

Nakiisa ang Barangay-Based Advocacy Group ng Calumpang sa huling araw ng Brigada Eskwela na ginanap sa HN Cahilsot Central Elementary School sa Barangay Calumpang, General Santos City nito lamang Hulyo 27, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga guro sa pamumuno ni Mrs. Nelda L. Ausad, BE Coordinator katuwang ang mga tauhan ng RPCADU 12 at magulang ng nabanggit na paaralan.

Ang Brigada Eskwela ay isang taunang programa ng Department of Education (DepEd) na naglalayong ihanda ang mga paaralan para sa darating na pasukan sa pamamagitan ng pagkukumpuni, paglilinis, at pagsasaayos ng mga pasilidad.

Sama-samang kinumpuni ang mga sirang upuan, pinalitan ang mga ilaw, at nagpintura ng mga silid-aralan.

Hindi rin nawala ang suporta sa mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan sa pag-aaral tulad ng notebooks, lapis, at iba pang school supplies.

Ang aktibidad ay hindi lamang nagpatibay ng mga pasilidad ng paaralan kundi nagbigay din ng pagkakataon sa mga miyembro ng komunidad na magtulungan at magkaisa.

Panulat ni Patrolwoman Flora Mae Asarez- RPCADU 12

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *