Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Outreach Program sa Bohol

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Community Outreach Program na ginanap sa Barangay Biabas, Guindulman, Bohol noong ika-27 ng Hulyo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Guindulman Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Zeus Livin C Bugtai, Chief of Police, sa suporta at pakikipagtulungan ng Guindulman LGU sa pamumuno ni Municipal Mayor Albino Mijares Balo, kasama ang mga mga opisyales ng Barangay at Philippine Coastguard.

Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gamit sa paaralan, at mga pre-loved na damit sa mga residente ng nasabing lugar.

Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa Anti-Illegal Drugs, Anti-Terrorism, at pamamahagi ng mga flyers ukol sa mga safety measures/tips, Balik Eskwela, at iba pa.

Layunin ng aktibidad na magbigay suporta sa mga batang mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga gamit sa paaralan na kanilang magagamit sa pagbubukas ng klase sa SY 2024-2025.

Source: Guindulman MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *