KKDAT Baggao Chapter, nakiisa sa Serbisyo Caravan sa Cagayan

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Baggao Chapter sa isinagawang Serbisyo Caravan sa Barangay San Francisco, Baggao, Cagayan nito lamang ika-26 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao sa pamumuno ni Municipal Mayor Leonardo C Pattung kasama ang kapulisan ng Baggao sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Osmundo M Mamanao, Officer-in-Charge, 204th RMFB, 1 st PMFC, 95th Infantry Battalion Charlie Company Philippine Army, BFP Baggao, Barangay Force Multipliers, Youth for Peace, Health Workers at Lion’s Club.

Naghatid ng libreng serbisyo tulad ng operation tuli, libreng gupit, pamamahagi ng libreng bigas, binhing pananim, damit at sapatos, medical check-up at dental operation, libreng konsultasyon sa mata at pamamahagi ng libreng salamin.

Ang KKDAT katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng serbisyong nagkakaisa tungo sa payapa at maunlad na lipunan para sa Bagong Pilipinas.

Source: Baggao Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *