Stakeholders, nakiisa sa Joint Community Outreach Program sa Taguig City
Masayang nilahukan ng mga kabataan ang isinagawang Joint Community Outreach Program ng mga Stakeholder sa Purok 1-A, New Lower Bicutan, Taguig City nito lamang Linggo, Hulyo 28, 2024.
Naisakatuparan ang aktibidad dahil sa pakikipagtulungan ng Pinagbuklod Association Incorporation sa pangunguna ni Dr. Jessica M. Silva, Gamie San Pedro, Barangay Council, at mga miyembro ng A.N.A.K “Alagaan Natin Ang Kabataan,” kasama ang mga tuhan ng RMFB BCAS ng NCRPO.
Sa panahon ng kaganapan, ang mga tauhan ng pulisya ay namahagi ng mga kagamitang pang-eskwela sa mga bata para sa darating na pasukan.
Ang aktibidad ay naglalayong pasiglahin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad at suportahan ang kapakanan ng mga bata at pamilya sa lugar.
Sa pamamagitan ng pagsasama-sama, upang magbigay ng mahalagang serbisyo, mapagkunan, at aktibidad na nagtataguyod ng kalusugan, edukasyon, at pangkalahatang pag-unlad ng komunidad.