Brgy. Tanods, nakiisa sa Traffic Assistance sa AgSur

Nakiisa ang mga Brgy. Tanod sa isinagawang Traffic Assistance ng mga tauhan ng Sta. Josefa Municipal Police Station na ginanap sa Sta. Josefa, Agusan del Sur noong Hulyo 29-30, 2024.

Ang aktibidad ay ginagawa upang mas maayos ang daloy ng trapiko, matulongan ang mga nangangailangan ng direksyon o impormasyon, at magpatupad ng mga batas-trapiko upang maiwasan ang aksidente.

Ang layunin ng traffic assistance ay upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng mga motorista at upang magbigay ng agarang tugon sa mga insidente sa kalsada. Patunay na ang dedikasyon ng Sta. Josefa PNP at mga Brgy. Tanod sa pagbibigay ng serbisyo publiko, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan ay tapat at may malasakit sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *