Mga mag-aaral ng Mabuco Elementary School, nakilahok sa Talakayan sa Bataan

Nakilahok ang mga mag-aaral ng Mabuco Elementary School sa isinagawang Awareness Lecture ng Bataan PNP sa Brgy. Mabuco, Hermosa, Bataan nito lamang Martes, ika-30 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PEMS Jerico O Camacho, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joelito R Orias, Force Commander ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company.

Ibinahagi sa talakayan upang magbigay ng tamang kaalaman at kamalayan patungkol sa RA 9262, RA 7610, Illegal Drugs, Bullying, Smoking and Safety Awareness, Drug Awareness, GAD at Community Anti-Terrorism Awareness Lecture.

Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan upang masiguro ang kaligtasan ng mga kabataan at turuang iwasan ang mga panganib na maaaring makaapekto sa kalusugan, seguridad, at kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *