Skills Enhancement Training at Seminar, isinagawa sa Juban Sorsogon

Juban, Sorsogon – Nagsagawa ng Skills Enhancement Training at Seminar ang mga tauhan ng Juban Municipal Police Station na nilahukan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at opisyales ng clustered barangay mula sa Barangay Bacolod, Puting Sapa at Buraburan ng Juban, Sorsogon nito lamang ika-29 ng Hulyo 2024.

Aktuwal na nagsanay ang mga kalahok ng basic arresting at handcuffing techniques. Maliban sa pisikal na pagsasanay ay nagkaroon ng talakayan hinggil sa mga paksang may kinalaman sa Violence Against Women and their Children (RA 9262), Safe Spaces Act (RA 11313), Anti-Rape Law (R.A. No. 8353), Anti-Child Abuse (R.A. No. 7610) at ang Katarungan Pambarangay.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng mga kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *