Stakeholders, namahagi ng kagamitan para sa mga biktima ng Bagyong Carina
Nakatanggap ng bagong kagamitan ang mga pamilyang biktima ng Bagyong Carina mula sa mga stakeholders sa Covered Court, Brgy. Manuyo Uno, Las Pinas City nito lamang Martes, ika-30 ng Hulyo 2024.
Ang pamamahagi na ito ay naisagawa sa pakikipagtulungan ni Mr. Hanter Ham, Director for Operations, JK Essentials Inc. kasama sina Dr. Vincent Chan, Founder, Brixton Hills Volunteer Fire Brigade at Founder, The Goodfellow Foundation, Manila Chinese Action Team (MCAT) na pinamumunuan ni G. Edwin Fan, Presidente, MCAT, Mr. Jonathan Ting, Bise Presidente at Sanib Lahi Pearl ng Prince Hagville Eagles Club/Hagville Green Initiative Phils sa pangunguna ni G. Roselio Araojo, Presidente katuwang ang miyembro ng Southern Police District.
May higit 100 na evacuees ang nakinabang na nakatanggap ng iba’t ibang kagamitan na maaaring magamit sa pang araw-araw na pamumuhay habang nasa evacuation center. Ang gawain na ito ng mga pribadong grupo at pamahalaan ay malaking tulong sa ating mga kababayan upang makabalik sa pamumuhay ng normal at magbigay ngiti sa bawat isa para sa isang matiwasay at maunlad na pamayanan.