Women in God’s Service at SBB Church, nakiisa sa “Pulis Gapo, Bisita Turo”

Nakiisa ang mga miyembro ng Women in God’s Service at Subic Bay Baptist Church sa programang “Pulis Gapo, Bisita Turo” ng Olongapo City Police Office na isinagawa sa East Tapinac at West Tapinac, Olangapo City nito lamang Lunes, ika-29 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga kapulisan ng Olongapo City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Charlie D Umayam, City Director, kasama ang mga miyembro ng WGS at SBB Church katuwang ang mga opisyal ng naturang lugar na pinangunahan nina Hon. Dante Hondo at Hon. Donald Aquino.

Nagtulungan ang bawat isa sa pamamahagi ng Learning Kits sa mga mag-aaral, na nagtaguyod ng edukasyonal na paglago at pagpapalakas sa komunidad. Laking pasasalamat ng mga benepisyaryo sapagkat ito’y nagsisilbing liwanag ng pag-asa at inspirasyon sa kanilang mga puso at isipan.

Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa layunin ng kasalukuyang administrasyon na magbigay ng dekalidad na edukasyon, at paunlarin ang mga barangay sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagtutulungan ng lahat ng sektor ng lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *