Mga estudyante, nakiisa sa Information Drive sa Tayabas City

Nakiisa ang mga estudyante sa isinagawang Information Drive kaugnay ng PNP OPLAN BES (Bisita Eskwela “I am Strong”) sa Luis Palad Integrated High School, Barangay Ipilan, Tayabas City, Quezon nito lamang Martes, ika-30 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PSSg Jessica N. Sedenio, PCAD PNCO sa pamumuno ni PLtCol Caesar Ian C. Binucal, Acting Chief of Police ng Tayabas Component City Police Station kasama ang mga estudyante ng nasabing paaralan.

Tinalakay sa mga estudyante ang patungkol sa EO70 TF-ELCAC, Buhay ay Ingatan Droga ay Ayawan (BIDA) at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) in relation to RA 9165/Drug Awareness. Hinihikayat din ang mga estudyante na magdownload ng Power Services App.

Layunin nitong ipabatid sa mga estudyante ang batas, mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen, droga at insurhensya. Hinikayat din na laging mag-ingat at ugaliing maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid upang makaiwas sa ano mang karahasan tungo sa maayos at ligtas na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *