Barangay Officials, sumailalim sa Awareness Lecture ng Aurora PNP

Aktibong nakilahok ang mga barangay officials ng Barangay Culat sa isinagawang Lecture at Awareness Seminar ng mga tauhan ng Casiguran Municipal Police Station sa Barangay Culat, Casiguran, Aurora nito lamang Sabado, ika-3 ng Agosto 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ni Police Major Dennis R Balbuena, Hepe ng nasabing istasyon.

Nagbahagi ng kaalaman ang pulisya patungkol sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, Anti Illegal Gambling, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, E070 at NTF ELCAC na nilahukan ng mga residente at kawani ng barangay.

Ito ay isang paraan ng PNP para hikayatin ang mamamayan na makiisa sa programa para sa kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

Ang nasabing aktibidad ay kabilang sa mga programang isinusulong ng ating President na si Ferdinand Bongbong Marcos Jr., upang iparamdam ang malasakit ng pamahalaan sa mga nasasakupan nito at makamit ang kaayusan at kapayapaan na maghahatid ng kaunlaran sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *