Camiguin Hanging Parrot, nailigtas sa Camiguin
Narescue sa ikinasang wildlife rescue operation ng mga tauhan ng Camiguin Maritime Police Station ang isang hanging parrot sa Brgy. Binhaan, Mambajao, Camiguin nito lamang ika-3 ng Agosto 2024.
Ang aktibidad ay nagresulta sa pagsagip sa isang Camiguin Hanging Parrot na mas kilala bilang “Kulasisi” na may scientific name na “Loriculos Philippensis” na kusang-loob na itinurn-over ng isang concerned citizen.
Pinaniniwalaan na ang naturang ibon ay itinuturing na nanganganib at idineklarang kabilang sa Philippine Red list ng Threatened Wild Life Fauna sa ilalim ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Ang nasabing hayop ay i-tinurn over sa Conservation and Development Division (CDD) ng PENRO-Camiguin upang mas mapangalagaan.