Clean-up Drive, idinaos sa Impasug-ong, Bukidnon

Nagtulong-tulong ang mga kabataan, Brgy. officials at BPATs sa pag-ikot sa Brgy. Guihean, Impasug-ong, Bukidnon upang mamulot ng mga basura sa matagumpay na Clean-up Drive nito lamang ika-3 ng Agosto, 2024.

Tinatayang nasa 10 sako ng iba’t ibang basura ang nalikom ng mga residente.Bukod sa mga organikong kalat ay nakakuha rin sila ng iba’t ibang uri ng di nabubulok na basura gaya ng mga plastik.

Layunin nito na alisin ang mga basura at iba pang mga polusyon sa kapaligiran upang mapanatili itong malinis at ligtas para sa lahat. Ito rin ay nagsilbing panawagan ng mga residente sa iba pang sektor na tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybaying dagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *