Coastal Clean-up, isinagawa sa Ozamiz City


Nasa 10 sako ng basura ang nakolekta sa isinagawang Coastal Clean-up Drive ng mga tauhan ng Maritime PNP – Misamis Occidental at mga residente ng Barangay Malaubang, Ozamiz City nito lamang ika-3 ng Agosto 2024.

Nakiisa din sa Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10.

Nakakolekta ng 10 sako ng mga basura ang naturang grupo na tinurn-over sa SWEMO para sa segregasyon.

Patuloy ang komunidad katuwang ang PNP sa pagsagawa ng mga aktibidad upang mapangalagaan ang likas na ganda ng karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *