Kabataan sa Alaminos City, nakiisa sa Adopt-a-Mountain Program for Youth

Humigit-kumulang dalawandaang kabataan, kasama ang ilang SK Chairpersons, ang nagtanim ng seedlings ng kawayan at fruit-bearing trees sa bagong tree park sa Barangay San Vicente, Alaminos City, Pangasinan nito lamang Agosto 3, 2024.

Ito ay inisyatibo ng City Youth and Sports Development Office bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa sustainable environmental protection program at climate change adaptation initiatives ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste at ng pamahalaang lungsod ng Alaminos na pinamagatang “Adopt-A-Mountain Program for Youth.”

Tinitiyak ng grupo na katuwang sila ng pamahalaan ng Alaminos sa pagpapaganda ng kanilang lugar at kaagapay sa mga proyektong pangka-kalikasan ng gobyerno.

Source: LGU – Alaminos City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *