KKDAT Iguig Chapter, nakiisa sa Clean Up Drive sa Cagayan

Nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo – Iguig Chapter sa clean-up drive activity na isinagawa sa kahabaan ng National Road, Barangay Nattanzan, Iguig, Cagayan nitong ika-3 ng Agosto 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kapulisan ng Iguig Police Station kasama ang mga miyembro ng 4Ps, Sangguniang Kabataan at mga kawani ng naturang lugar.

Sama-sama at tulong-tulong ang grupo sa paglilinis at pamumulot ng mga basura na naglalayong itaas ang kamalayan ng lipunan sa kapaligiran at mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad. Ito rin ay bilang pagsuporta sa Enhanced National Greening Program ng gobyerno, at sa pagsulong ng PNP Core Values na “Makakalikasan.”

Ang KKDAT katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng serbisyong nagkakaisa tungo sa payapa at maunlad na lipunan para sa Bagong Pilipinas.

Source: Iguig PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *