KKDAT Taft, nakilahok sa idinaos na KAUGOP sa Eastern Samar
Nakilahok ang mga estudyante ng Taft Central Elementary School at mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Kriminalidad Atohan, Utdon, Gobyerno Ugopan (KAUGOP) na ginanap sa Barangay 03, Taft, Eastern Samar, nito lamang Setyembre 6, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Taft Municipal Police Station na aktibong nilahukan ng mga estudyante mula Grade 4, 5, 6 ng nasabing paaralan.
Tinalakay sa mga mag-aaral ang mga paksa patungkol sa mga probisyon ng R.A. 11479 o “The Anti-Terrorism Act of 2020”, R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, R.A. 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”, R.A. 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” at R.A. 8353 o “The Anti-Rape Law of 1997.”, kasama rin sa mga paksa ang “The Good Touch and Bad Touch” at ang panganib ng teenage pregnancy.
Patuloy ang ahensya ng gobyerno sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad upang makatulong na maging maayos ang kinabukasan ng bawat kabataan.