Barangay Officials at SPTA Officers, sumailalim sa Awareness Lecture
Sumailalim at aktibong nakilahok ang mga Barangay Officials at SPTA Officers ng St. Francis I Elementary School sa isinagawang Awareness Lecture ng mga tauhan ng Limay Municipal Police Station sa Bragy. St. Francis I, Limay, Bataan nito lamang Lunes ika-11 ng Setyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay sa ilalim ng pangangasiwa at inisyatibo ni Police Major Dennis P Duran, Chief of Police ng Limay Municipal Police Station katuwang ang Punong Barangay at mga guro ng nasabing paaralan.
Nagbahagi ng kaalaman ang mga tauhan ng Limay MPS patungkol sa peace and order, Anti Criminality Campaign on 8 focus crimes, Campaign on Anti-Illegal Drugs, (IDADAIT) Oplan Katok, EO 70 National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Katarungang Pambarangay.
Ito ay isang paraan ng ating mga kapulisan para hikayatin ang mamamayan na makiisa sa programa para sa kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Patuloy ang ating Pambansang Pulisya at Pamahalaan sa mga ganitong aktibidad na naglalayong palakasin ang ugnayan ng komunidad na bumuo ng relasyon sa mga mamamayan lalo na sa kabataan upang makamit ang kaayusan at kapayapaan para sa hinahangad na maunlad at mayabong Bagong Pilipinas.