BPATs, sumailalim sa Capacity Enhancement Training Program sa South Cotabato
Aktibng lumahok ang Barangay Peacekeeping Action Team ng Capacity Enhancement Trainig sa isang pagsasanay na isinagawa ng mga tauhan Surallah Municipal Police Station sa Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato, nito lamang ika-11 ng Setyembre 2024.
Nagsagawa ng isang pagsasanay at lecture Surallah Municipal Police Station para sa 160 mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at Barangay Tanod.
Ang nasabing pagsasanay ay nakatuon sa tamang paggamit ng handcuffs, na layong palakasin at bigyang-diin ang kakayahan ng mga puwersa ng seguridad sa barangay.
Ang pagsasanay ay bahagi ng Capacity Enhancement Training para sa Barangay Tanod Program, na suportado ng Local Government Unit (LGU), Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Fire Protection (BFP), at ng 38th Infantry Division ng Philippine Army.
Ang pangunahing layunin ng pagsasanay na ito ay ang pag-enhance ng kaalaman at kasanayan ng mga BPAT at Barangay Tanod sa mga makabagong pamamaraan ng pagpapatupad ng batas, partikular sa tamang paggamit ng handcuffs, na isa sa mga pangunahing kagamitan sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong klase ng pagsasanay, inaasahan na magiging mas propesyonal at mahusay ang mga tagapagpatupad ng batas sa barangay.
Umaasa ang mga tagapag-organisa na ang mga bagong natutunan ng mga BPAT ay magdudulot ng mas mataas na antas ng seguridad at kapayapaan sa kanilang mga nasasakupan.
Ang suporta ng LGU, PNP, BFP, at ng Philippine Army ay nagpapakita ng kanilang seryosong pangako sa pagpapabuti ng seguridad sa lokal na antas at sa pagtulong sa mga lokal na komunidad upang maging mas ligtas at maayos na lugar para sa lahat.