U4U You-for-You Teen Trail Activities, nilahukan ng mga mag-aaral ng Mayngaway National High School sa Catanduanes

Nakilahok ang mga mag-aaral ng Mayngaway National High School sa isinagawang U4U You-for-You Teen Trail Activities na pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU) ng San Andres, Catanduanes sa pakikipagtulungan ng Iriga City Police Station noong ika-11 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng mahalagang kaalaman sa mga kabataan hinggil sa mga isyung panlipunan tulad ng Anti-Illegal Drugs, Anti-Terrorism, at mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan at mga bata.

Sa pamamagitan ng mga talakayan at presentasyon mula sa mga tagapagsanay, nailahad sa mga mag-aaral ang mga pangunahing estratehiya kung paano maiiwasan ang panganib ng ilegal na droga at terorismo, pati na rin ang mga umiiral na batas na nagtatanggol sa mga kababaihan at mga bata laban sa pang-aabuso at karahasan.

Ang aktibidad na ito ay nagbigay ng mahalagang pagkakataon sa mga kabataan upang maging mas mapanuri at maalam tungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad sa lipunan.

Ang kanilang aktibong partisipasyon ay isang hakbang patungo sa pagbuo ng isang mas ligtas at makatarungang komunidad para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *