Lecture on Reinforcing the Roles of Barangay Tanod, isinagawa sa Cabadbaran City
Isinagawa ng Cabadbaran City Police Station ang isang Lecture on Reinforcing the Roles of Barangay Tanod upang palakasin ang kakayahan ng Barangay Tanod bilang mga unang tumutugon sa mga insidente at sa pangangalaga ng lugar ng krimen na ginanap sa 29IB Matatag Battalion sa Barangay Del-Pilar, Cabadbaran City na nagsimula bandang 8:30 ng umaga noong Setyembre 15, 2024.
Dumalo sa aktibidad ang mga lokal na tanod mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod. Ang lecture at hands-on na pagsasanay ay nagbigay diin sa kahalagahan ng wastong reaksyon at tamang pamamaraan sa paghawak ng mga sitwasyon na nangangailangan ng agarang aksyon.
Isinagawa ang aktibidad na ito upang matiyak na ang bawat tanod ay may sapat na kaalaman sa mga tamang hakbang na dapat gawin sa pagharap sa iba’t ibang uri ng insidente, mula sa pangkaraniwang gulo hanggang sa mga malalaking krimen.
Ang pagsasanay ay nagbigay daan din sa mga tanod upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga ahensya at sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa pag-uulat ng mga pangyayari.