Mga Kababaihan, nakiisa sa Simultaneous Anti-Gender-Based Violence Activity
Nakiisa ang mga kababaihan sa isinagawang Simultaneous Anti-Gender-Based na ginanap sa Barangay San Antonio, Titay, Zamboanga Sibugay nito lamang Linggo, ika-15 ng Setyembre 2024.
Ang pagtitipon na ito ay pinangunahan ng 2nd Provincial Mobile Force Company na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Atty. Flint S Depnag, Force Commander, katuwang ang lokal na pamahalaan at Barangay Opisyales.
Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng mga kababaihan at komunidad patungkol sa Gender-Based Violence at kung paano maprotektahan ang mga bata at kabataan mula sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso.
Tinalakay din sa seminar ang mahahalagang probisyon ng VAWC at Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, pati na rin ang iba pang mga batas para sa kapakanan ng mga kabataan.
Ang seminar ay isa ring hakbang upang lalong mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng mga lokal na stakeholder sa pagsusulong ng mga karapatang pangkababaihan at kabataan.