Outreach Activity, nilahukan ng KKDAT-Sabangan Chapter

Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo- Sabangan Chapter ang isinagawang Outreach Activity ng Sabangan Municipal Police Station sa Namatec Elementary School Conference Hall nito lamang ika-16 ng Setyembre 2024.

Katuwang din sa aktibidad ang mga miyembro Sabangan PNP Pensioners Association, barangay officials, at mga guro sa nabanggit na paaralan. Itinampok dito ang feeding program, pamamahagi ng mga gamit pang-eskwela, tsinelas, at mga laruan na mula sa donasyon ng mga grupo ng Hongkong OFW at Binnadang HK Gambang Chapter sa mga mag-aaral ng Daycare at Kindergarten.

Nagpasalamat sa tulong ang mga benipisyaryo na hatid ng mga nasabing grupo. Patuloy ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya at maging inspirasyon sa kapwa nila kabataan tungo sa pagsuporta at pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *