Information Awareness Lecture, isinagawa sa Bataan
Nagsagawa ang mga tauhan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company ng Information Awareness Lecture para sa mga mag aaral ng Bliss Integrated School, Barangay San Francisco de Asis, Limay, Bataan nitong lamang Martes ika-17 ng Setyembre taong 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Alias Laleo Tait, Force Commander ng nasabing unit ng pulisya.
Tinalakay sa mga kabataan ang patungkol sa , Anti Bullying Act of 2013, Bomb Awareness, Drug Awareness , RA 11313 (Bawal Bastos Law) at Anti-Hazing Law of 2018. Layunin nitong ipabatid sa mga estudyante ang batas, mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen.
Hinikayat din na laging mag-ingat at ugaliing maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid upang makaiwas sa ano mang karahasan tungo sa maayos at ligtas na pamumuhay.