Blood Letting Activity, isinagawa sa Batangas

Naglungsad ang Batangas State University sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross ng Blood Letting Activity na ginanap sa Batangas State University, Lungsod ng Batangas nito lamang Septyembre 27, 2024.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang na ang mga tauhan ng Batangas MARPSTA, Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) sa koordinasyon ng Batangas Red Cross, PCG Auxiliary Unit at iba pang civilian volunteers mula sa lalawigan ng Batangas. Ang nasabing aktibidad ay naglalayong makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay at maibsan ang alalahanin ng kanilang mga mahal sa buhay.

Dahil patuloy na maglilingkod at magpapaabot ng tulong ang iba’tibang ahensya sa mga mamamayan bilang pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *