Opisyales ng Barangay sa Catanduanes, dumalo sa Barangay Council for the Protection of Children Training

Dinaluhan ng mga opisyales ng Barangay ng Bayan ng San Andres ang isinagwang Barangay Council for the Protection of Children Training na ginanap sa Queen Maricel Inn, Brgy. San Isidro, Village, Virac, Catanduanes nito lamang Ika-25 ng Setyembre 2024.

Sa nasabing aktibidad ay tinalakay si PCMS Catherine L Surban, MCAD PNCO ng San Andres MPS ang paksa ukol sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004) at binigyang ang mga obligasyon at responsibilidad ng mga opisyales ng barangay sa mga insidente ng pang-aabuso sa mga kababaihan.

Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga namumuno sa barangay kung paano maprotektahan ang kanilang mga nasasakupan laban sa anumang uri ng pang-aabuso na nakapaloob sa nasabing batas.

Nais nito na maibahagi sa mga dumalo ang kaalaman sa kani-kanilang mga nasasakupan upang ang lahat ay mamulat at mabigyan ng kamalayan sa pagtaguyod ng komunidad na ligtas para sa mga kababaihan at kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *