Barangay-Based at Faith-Based Advocacy Support Group, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang Barangay-Based at Faith-Based Advocacy Support Group sa Tree Planting Activity na ginanap sa Barangay Batangan, Gonzaga, Cagayan noong ika-28 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Gonzaga Police Station katuwang ang mga miyembro ng Barangay-Based at Faith-Based Advocacy Support Group.

Sama-sama at tulong-tulong ang grupo sa pagtatanim ng 50 coconut at mahogany seedlings na naglalayong itaas ang kamalayan ng lipunan sa kapaligiran at mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad.

Ang Advocacy Support Group at mga ahensya ng gobyerno ay patuloy sa paghikayat sa mga mamamayan na pahalagahan at ingatan ang ating inang kalikasan para sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *