Awareness Campaign, isinagawa sa Lungsod ng Lipa
Naging matagumpay ang isinagawang Awareness Campaign para sa mga Women Sector na ginanap sa Barangay San Benito, Lipa City, Batangas nito lamang Miyerkules , ika-2 ng Oktubre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Gregorio C Malaluan, Chief PCR sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rix Supremo Villareal, Chief ng Lipa Component City Police Station, kasama ang mga miyembro ng Women Sector ng nasabing barangay.
Nagbigay kaalaman ang mga tagapagsalita patungkol sa Anti-Rape (Project L.U.K.A.S.), Violence Against Women and their Children o R.A. 9262, EO-70 NTF-ELCAC at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 (RA 9165) at ang masamang epekto nito.
Layunin ng aktibidad na mapalawig ang kaalaman ng bawat kababaihan patungkol sa nasabing batas, pahalagahan ang kanilang trabaho at pamilya upang hindi maging biktima at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.