Barangay Tanod Orientation Training, isinagawa sa Leyte
Nagsagawa ng Barangay Tanod Orientation Training ang mga ahensya ng gobyerno na ginanap sa Brgy. Old Taligue, Abuyog, Leyte nito lamang Martes, ika-2 ng Oktubre 2024.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Department of the Interior and Local Government, sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Abuyog Municipal Police Station, Armed Forces of the Philippine Army (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Health Office (MHO).
Naging kalahok sa aktibidad ang mga Barangay Tanod mula sa iba’t ibang barangay sa buong Abuyog, Leyte. Tinuro at tinalakay ng mga tagapagsalita ang tamang arresting and handcuffing techniques, blotter writing, at ang tungkulin ng mga barangay tanod sa pag-iwas sa krimen.
Layunin nito na bigyan sila ng mga kinakailangang kasanayan at kaalaman upang mabisang gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga force multipliers para sa kaligtasan at seguridad ng komunidad.