Security Assistance sa 114th Patronal Feast Celebration, isinagawa kasama ang mga Barangay Tanod

0
461793921_937205451549350_8350223303670978762_n

Nagsagawa ng Security Assistance ang mga personahe mula sa Bacuag Municipal Police Station kasama ang mga Barangay Tanod sa panahon ng Grand Opening Parade ng 114th Patronal Feast Celebration sa Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte noong Oktubre 5, 2024 bandang 1:00 ng hapon.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan, tanod at ng komunidad, na mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad, lalo na sa mga ganitong pagdiriwang. Sa pamamagitan ng presensya ng mga kapulisan at Barangay Tanod, naipakita ang kanilang dedikasyon sa pagtiyak na ang selebrasyon ay magiging ligtas at masaya para sa lahat.

Ang mga ganitong aktibidad ay patunay ng malasakit ng mga kapulisan at mga tanod sa kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan, na nagbibigay ng inspirasyon para sa iba pang barangay sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *