MENRO Tampakan, nakiisa sa Tree Planting Activity
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Municipal Environment and Natural Resources Office Tampakan sa Tree Planting Activity sa programang Puso para sa Puno Project nooong ika-14 ng Oktubre 2024 sa Purok 7, Barangay Maltana, Tampakan, South Cotabato.
Katuwang sa aktibidad ang PNP, Bureau of Fire Protection Office Tampakan at Tampakan Municipal Police Station at iba pang tauhan ng ahensya ng gobyerno.
Nagtulong-tulong ang grupo sa pagtatanim at hinikayat ang mga residente ng barangay na pangalagaan ang kapaligiran upang maiwasan ang mga sakunang dulot ng nasisirang kalikasan.
Ito ay naglalayong mapanatili at itaguyod ang katatagan ng malinis at maaliwalas na pamayanan.
Gayundin, upang mapabuti ang kalidad ng mga likas na yaman at itaas ang kamalayan sa komunidad sa kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran. Panulat ni Toleme